Saturday, October 8, 2011

"BUDOY" ANG HAHAMON SA KAKAYAHAN NI GERALD ANDERSON

"BUDOY" Ang teleseryeng mag papangiti at mag papalungkot sa inyong mga puso.


Sa Lunes (Oct. 10)  na ang pinakamalaking drama series sa kasaysayan ng telebisyon sa Pilipinas, ang  "BUDOY". Na pinagbibidahan ni GERALD ANDERSON,

Hindi na maitatago ng drama prince na si Gerald Anderson ang kanyang pagkasabik sa kanyang pinakabagong Primetime Bida Teleserye,  Ayon kay Gerald ,  "napakaganda ng paglalakbay na ipinakita sa atin ni Budoy. Bukod sa powerhouse cast, kaabang-abang din ang values sa buhay at pamilya na mapupulot dito."

GERALD ANDERSON
Para paghandaan ang role ni Budoy, na isang lalaking mentally-challenged, kinailangan sumailalim ni Gerald sa isang matinding immersion na ayon sa kanya ay nagpabago ng pananaw niya sa buhay.  "Napakalaking tulong sa pagganap ko ang immersion na ginawa namin.  Mas lumalim ang pagkilala ko kay bodoy at na inspire ako sa pagmamahal niya sa pamilya at sa sipag at determinasyon niyang harapin ang buhay."

Unang nakilala si Gerald sa sikat na reality TV show na "Pinoy Big Brother; Teen Edition."  Ngunit sa taglay niyang husay sa pag arte, higit na nakilala at hinangaan si Gerald bilang isa sa mga pinakamahusay na batang aktor sa Pilipinas dahil sa mga markado niyang pagganap sa mga teleseryeng tulad ng  "Sana Maulit Muli," "My Girl," "Tayong Dalawa," at "Kung Tayo'y Magkakalayo."


Saksihan ang isang kakaiba at "bagong" Gerald sa "Budoy."  Sundan ang kwento ng isang batang hindi huminto sa pagmamahal sa gitna ng kanyang mga pinagdaraanan. Sa istorya, alamin kung paano naging isang sumpa ang kapanganakan ng isang sanggol?  Ano ang magtutulak sa isang pamilya at ipamigay ang kanilang kapamilya?  Paano kaya kakayanin ng isang batang pinagkaitan ng normal na pag iisip na harapin ang mapanghusgang lipunan?



Jessy Mendiola at Enrique Gil

Tirso Cruz III at Janice de Belen

Gloria Sevilla at Barbara Perez

Mylene Dizon at Christian Vazquez
Hatid ng "BUDOY" ang powerhouse cast na binubuo ng promising youmg stars na sina Jessy Mendiola at Enrique Gil; ng mga tinitingalang haligi ng industriya na sina Dante Rivero, Gloria Sevilla, at Barbara Perez; at ng ilan sa mga pinakamahuhusay sa larangan ng pag arte kabilang sina Tirso Cruz III, Zsa Zsa Padilla, Mylene Dizon, Cristian Vazquez, at ang nagbabalik Kapamilya na si Janice de Belen.

Tots Sanchez Mariscal at Ruel S. Bayani
Sa ilalim ng direksiyon nina Ruel S. Bayani at Tots Sanchez Mariscal.

Huwag palampasin ang pinakabagong teleserye sa Primetime Bida,  "BUDOY" gabi gabi sa ABS-CBN.  Para sa karagdagang updates, mag log on sa www.budoy.tv at sundan ang abscbndotcom sa twitter

       OCTOBER 7, 2011  "SCREENING AND GRAND PRESSCON"









No comments: