Wednesday, October 19, 2011

Pinoy Big Brother muling magbubukas sa Bansa


Ang bahay ni Kuya ay muling magbubukas sa Sabado (Oktubre 29).  Ito ay magbibigay ng maraming sopresa at saya sa bago nitong edisyon ang  "Pinoy Big Brother Unlimited".  Ipapakita sa publiko ang mas pinaganda at mas pinalaking PBB house at ang bagong housemates ng hosts na sina Toni Gonzaga at Bianca Gonzales, makakasama nila ang bagong dagdag na sina Robi Domingo at Martin Concio sa kick off show na pinamagatang "PBB Unlimited: The Big Fiesta."

Robi Domingo, Toni Gonzaga at Bianca Gonzales
 Ipapakita sa Pinoy Big Brother Unlimuted ang kombinasyon ng housemates,  ang unlimited na karanasan, ang unlimited na lungkot at saya ng mga housemates, at unlimited na mga posibilidad na mangyayari sa loob ng bahay ni kuya.

Robi Domingo, Toni Gonzaga at Bianca Gonzales
Sa ikaapat na regular season ng PBB Unlimited ay isa si Robi Domingo na magho- host nito. Siya ay naging Housemates noong 2008 sa "PBB Teen Edition Plus," kung saan siya ang itinanghal na second placer. "Tlalagang masaya ako. Dahil naging housemates na ako dati, sa tingi ko makaka relate ako sa mga mangyayari sa loob ng bahay na pwede kong maibahagi sa mga manonood," sambit ni Robi. Excitement na si Robi sa pagho host na alam niyang hahamon sa kanyang kakayahan sa karera niya sa showbiz.

Robi Domingo, Toni Gonzaga at Bianca Gonzales
Tutukan ang "PBB Unlimited Update" gabi gabi tuwing "Maria La Del Barrio" at "100 Days to Heaven."  Saksihan ang pagbubukas ng pinakasikat na bahay sa bansa at kilalanin ang pinakabagong housemates nito sa "PBB Unlimited: The Big Fiesta" ngayong Sabado (Oktubre 29) ng gabi, live sa ABS-CBN.

     OCTOBER 18, 2011  "PRESSCON"

No comments: