Sunday, December 11, 2011

Enteng ng Ina Mo : Pelikula sa MMFF 2011


Vic Sotto and Ai-Ai de las Alas pinag sama sa isang malaking pelikula,  "Enteng ng Ina Mo!".


Nararamdaman na ang Pasko, dahil nagbabalik na naman ang hari at reyna ng taunang Merto Manila Film Festival! Talagang kapag kasama ang mga pelikula nila Vic Sotto at Ai-Ai de las Alas sa MMFF ay kumpleto na ang Pasko nating lahat.  Ito ay handog ng Star Cinema, M-ZET, APT, at Octoarts.



Sino nga ba ang mag - aakala na pwedeng pag samahin sina Enteng at Ina? Si Enteng sa buhay ni Ina at si Ina sa mundo ni Enteng? Papaano bubuhaying ni Enteng ang 12 na anak ni Ina? Si Ina sa buhay Engkantasia? At ang buhay na haharapin nila sa bawat miyembro ng pamilya.  Ito ang aabangan nating lahat kung anong buhay nila Enteng at Ina sa mundo ng kanilang ginagalawan.  At sa tulong ni Direk Tony Y. Reyes, tiyak na kumpleto na ang iyong Pasko.



MMFF will never be the same after this. The festival's biggest stars in the biggest fantasy-comedy ever! Enteng ng Ina Mo opens on December 25, 2011.

     DECEMBER 8, 2011  "PRESSCON"

No comments: