Tuesday, February 14, 2012

LUV U ang bagong Kapamilya Comedy ng ABS-CBN


Sa February 19, Magbubukas na ang bagong comedserye ng ABS-CBN, Na kakagiliwan ng mga kabataan at  kikiliti sa kanilang mga  puso.


Tampok sa "Luv U ang mga Bulilit na kinagigiliwan noon na mga dalaga't binata na ngayon na sina Miles Ocampo, Angeli Gonzales, Kiray Celis, CJ Navato at Igi Boy Flores. Kasama rin ang bagong si Marco Gumabao at mga beteranang komedyante na sina Joy Viado, Smokey Manaloto at Bangs Garcia.


Ang 'Luv U" ay kwento ng tatlong dalagitang sina Camille (Miles), Whitney (Kiray), at April (Angeli) na lilipat sa Lamberto Uy Villarama o Luv U upang tapusin ang kanilang pag aaral sa high school. Dito makukuha nila ang atensyon nila JB (Marco), Boom (CJ), at Rocky (Igi Boy). Matutunan ng tatlong dalagita ang tungkol sa batang pag-ibig. Na sa kabila ng paalala ng kanilang Lola Paula (Joy), sina Camille at ang kanyang mga pinsan ay tatahakin ang saya at lungkot sa high school life.


Ang Luv U ay ang bagong comedserye ni Direk Bobot Mortes, na aabangan tuwing Linggo, pagkatapos ng "ASAP Rocks" sa ABS-CBN.

     February 10, 2012  "PRESSCON"  at Training Hall ABS-CBN