Thursday, May 26, 2011

SAM MILBY'S MOVIE "THIRD WORLD HAPPY"




Sam Milby, nominado bilang Pinakamahusay na Aktor sa Gawad Urian…
NAKAKAANTIG NA ‘BALIKBAYAN’ MOVIE “THIRD WORLD HAPPY” MAPAPANOOD SA PILING SM THEATERS!

Ang    Third World Happy, ang kauna-unahang Cinema One Originals movie ng matinee idol na si Sam Milby, ay mapapanood sa piling SM Theaters sa bansa simula Mayo 25 hanggang 31.

Ito ay kwento ng balikbayang si Wesley (na ginampanan ni Sam Milby) na iniwan ang Pilipinas at ang kanyang kasintahan upang tuparin ang pangarap na maging isang pintor. Ang lahat ay nagbago nang siya ay bumalik sa bansa para magpunta sa burol ng isang “mahal sa buhay” at makasama muli ang mga kaibigan. Tinulungan nila si Wesley na magkaroon muli ng pag-asa, masilayan ang kanyang yumaong minamahal, magbigay ng huling pamamaalam, ipagpatuloy ang kanyang buhay at tuparin ang mga pangarap.

Si Jodi Sta. Maria naman bilang si Aylyn, ang dating kasintahan ni Wesley, ay nagpakita ng katatagan ng isang babaeng nakakaranas ng kabiguan sa pag-ibig kasabay ng pagharap sa mga problema ng kanyang pamilya. Sa pelikula ay isang single mom si Aylyn na nagta-trabahong mabuti para sa kanyang 13 taong gulang na anak na lalaki. Matapos ang 13 taon ay muling magtatagpo ang landas nila ni Wesley at dito niya makukuha ang kasagutang matagal na niyang hinihintay—kung bakit siya iniwan ng lalaking pinakamamahal.

Samantala, si Kuya Danny (Richard Quan), ay suportado anumang desisyon ng kanyang nakababatang kapatid na si Wes. Madalas niyang isinasantabi ang kanyang personal na interes para sa kanyang pamilya. Si Kuya Danny ang nagturo kay Wes ng pinakamahalagang aral na dapat niyang matutunan sa buhay.

Ang Third World Happy ay mula sa panulat at direksyon ni EJ Salcedo, na kasalukuyang sumusulat at gumagawa ng short films, TV commercials, corporate at music videos. Siya rin ay isang direktor para sa telebisyon.

Ang natatanging pagganap ni Milby sa nasabing pelikula ang nagbigay sa kanya ng nominasyon bilang Pinakamahusay na Aktor sa prestihiyosong ika-34 Gawad Urian Awards ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Si Sta. Maria naman ay nominado rin sa ika-34 Gawad Urian Awards bilang Pinakamahusay na Aktres at tumanggap naman kamakailan ng Best Supporting Actress trophy sa Cinema One Originals 2010 Awards.

“This is a semi-autobiographical story. I combined homecoming and the stories of artists not being able to pursue their dreams to build the story of Third World Happy,” ani Salcedo.

Ano ang matututunan ng mga manonood sa Third World Happy? “I wanted to tell this story to remind people that if they are given the chance to pursue their dreams, they should never waste it. Most people never get the chance,” sagot ni Salcedo.

Sa isang review na inilathala sa South Korea, sinabi ni Kim Se-jin sa website ng Jeonju International Film Festival, “The film carefully unfolds Wesley’s painful past one by one while he keeps meeting his close friends living in a life different with the dreams which they had in their youth and his ex-lover which broke up with him when he left for the US. She is living her tough life with a 13-year old son and her mother now. Finally, he confronts the weight of the heavy time lying between the one who left and the one who was left during the funeral. The film consoles the audience and Wesley by showing sincere strength of the everyday life and the process of his reconciliation with his painful past.”

Si Ria Limjap ng Spot.ph naman ay nagsabing kahit hindi siya isang avid fan ng acoustic heartthrob ay naantig pa rin siya sa pagganap ni Milby sa Third World Happy. “Sam Milby does a good job in portraying a lost balikbayan, floating in a stew of jetlag, emotional baggage, and Manila traffic. Dazed and depressed, drinking endless cup of instant coffee in disposable cups, Sam’s Wesley has to face his painful past: the girl he left behind, the tragic death of his parents, and now another beloved family member gone,” ani Limjap.

Nakakuha rin ng papuri ang pagganap ni Sam bilang Wesley mula sa mga kritiko ng Cinefilipinas.blogspot.com. “Milby doesn’t bare his abs but gets to effectively bare the angst of his character.”

Huwag palampasin ang Third World Happy sa 10 piling SM Theaters sa buong bansa—SM North Edsa, SM Megemall, SM Manila, SM Fairview, SM Sta. Mesa, SM Southmall, SM Marikina, SM Cebu at SM Iloilo simula Mayo 25 hanggang 31. Makisaya sa exciting Fan’s Day ni Sam Milby sa Mayo 25, Miyerkules, 3 p.m. sa SM North Edsa.



     MAY 25, 2011 "PRESSCON"



No comments:

Post a Comment