Wednesday, December 4, 2024

CESAR MONTANO, CHRISTINE REYES, MARCO GUMABAO, NANGUNA SA DUMALO SA MMFF 2024 CELEBRITY GOLF TOURNAMENT

CESAR MONTANO, CHRISTINE REYES, MARCO GUMABAO, NANGUNA SA  DUMALO SA MMFF 2024 CELEBRITY GOLF TOURNAMENT

Matagumpay at masaya ang Celebrity Golf Tournament na idinaos ng Metro Manila Developmet Authority sa Wack Wack Golf & Country Club nung buong araw ng Lunes, Disyembre 3.


      Ang tournament ay bahagi ng pagdiriwang ng 50th anniversary ng Metro Manila Filmfest.

     The tournament teed off with a ceremonial drive led by MMDA Chairman Romando Artes and San Juan Mayor Francis Zamora. Players from the entertainment and business sectors participated in the tournament, including Cesar Montano, Christine Reyes, and Marco Gumabao.


Umabot sa halos alas nuwebe ng gabi ang pagdiriwang.  A grand banquet. of food was set up, and the  popular REO band entertained the crowd with oldies-but-goldies songs by the Beatles, BeeGees, and other well-loved bands.

     Nung gabing iyon ay nadiskubre ng madla na magaling at bibong host pala si Enchong Dee. Siya ang nagpakilala sa mga opisyal ng MMDA at ng mga syudad at bayan na sakop ng Metro Manila. Siya rin ang nangasiwa sa isang grand raffle kung saan ang major prize ay isang 2018 Fortuner van. Siya rin, siyempre pa, ang nag-announce ng mga nagwagi sa tournament at ang mga sumali.


Chairman Romando Artes delivered a heartfelt welcome speech, reflecting on the MMFF's journey over the past five decades and the immense contribution of the Filipino film industry to the nation's culture and identity.

Enchong extended special thanks to the event's generous sponsors including GSIS, PAGCOR, PCSO, ISWIMS, Phileco, Agyaman, Smoked Meats, Ang kasangga Partylist, Boysen, Cignal, CMB, Converge, CWC Partylist, Easy Life, Haws Health and Wellness Shop, InfiniVan, Infobahn, Insuplus, Leonel Waste Management, Manila Teachers Partylist, Maynilad, Mowelfund, Playtime, PowerUP, Remedi, Shantal's Beauty and Wellness Products, STX CleanLeaf, TV5, Woodfields Consultant Inc., and Yakult. 

      Naging bahagi ng programa nung gabing yon ang pagdu-donate ng MMFF na isang milyong piso sa Mowelfund at tinanggap yon nina Boots Anson Roa at Rez Cortez. Si Boots ang Chairman ng Mowelfund at si Rez ang President. Maraming miyembro ng The Entertainmenf and Arts Media (TEAM) ang miyembro na ng Mowelfund na nagkakaloob ng financial assistance sa movieworkers sa oras ng kagipitan nila dahil sa pagkakasakit.

Pero matagal na ring nag-o-offer ng edukasyon at training ang Mowelfund sa mga baguhang filmmakers. May professional post production facilities ang Mowelfund.

Inengganyo ni Enchong Dee nung gabing yon ang pagtangkilik sa sampung entries sa 2024 MMFF pero binigyan n'ya ng special mention ang Topakk dahil nasa cast siya ng pelikula at may cast members na sumali sa tournament at nakipagsaya sa mga dumalo sa banquet. 

December 04, 2024

No comments:

Post a Comment