Monday, June 3, 2024

TEAM nanumpa sa harapan nila San Pablo City Mayor Vic Amante at si Mayora Gem Castillo

RED-LETTER DAY PARA sa bumubuo ng samahan ng mga manunulat, photographers, at iba pang taga-media na The Entertainment Arts & Media (TEAM) ang huling araw ng Mayo 2024. Dahil ito ang espesyal na araw na isinagawa ang induction at panunumpa sa tungkulin ng mga halal na officers at members. 

City Mayor Vic Amante at Mayora Gem Castillo


The Entertainment Arts & Media (TEAM)
San Pablo City Mayor Vic Amante and  Mayora Gem Castillo



Ang butihing maybahay ni San Pablo City Mayor Vic Amante na si Mayora Gem Castillo ang nag-asikaso sa buong TEAM bago ang panunumpa. 

TEAM
The Entertainment Arts & Media 
Induction at Panunumpa sa tungkulin ng mga halal na officers at members. 

Nausisa ng TEAM si Mayora Gem sa mga ginagawa nilang pagtulong sa constituents sa San Pablo. Alam ng lahat ang care at concern nina Mayora sa mga kababayan, isa na rito ang para sa mga kabataang nagnanais na magkaroon ng edukasyon. Lalo na ang mga salat sa buhay. 

Ayon kay Mayora Gem, wala naman iyon sa kung mataas ang grado o pagiging intelihente ng isang nilalang. Ang mahalaga ay makapag-aral at makapagtapos sila para sa kinabukasan ng mga kabataang ito.

Bukod sa edukasyon, pati health ng mga kababayan at iba pang pangangailangan ay naaalagaan din nila.

Ipinaramdam din ni Mayora Gem sa grupo ang mga ipinagmamalaki ng kanyang bayan. Kaya dalawa sa kanilang national heritage ng Seven Lakes ang dinalaw ng TEAM. Ang Pandin Lake at ang Sampaloc Lake na dinarayo ng mga turista. Patuloy na pinagaganda ni Mayor ang San Pablo, para lalo pang maipagmalaki.

Pandin Lake

Pandin Lake


With TEAM Officers


Napag-usapan din sa nasabing okasyon ang paghihikayat ng marami kay Mayora Gem na kumandidatong Vice Governor ng Laguna. Na lalong naging posible nang nagbigay na ng basbas ang kanyang mahal na kabiyak na si San Pablo City Mayor Amante.

Mayora Gem Castillo with TEAM President Nonie Nicasio



Kilala at ramdam ng mga kababayan at nakakakahalubilo ng butihing Mayora ang magandang kalooban nito. Kaya sa mga survey ay nangunguna ito bilang Bise Gobernador ng Laguna sa susunod na halalan. 

Ang TEAM ay handang sumuporta kina Mayor Vic at Mayora Gem, para lalo pang paigtingin ang turismo sa lungsod ng San Pablo. 

Si Mayora Gem, kasama sina Konsehal Alfred Vargas at ang beteranong showbiz columnist na si Ed de Leon, ang advisers ng TEAM na kinabibilangan nina Nonie Nicasio (Pangulo); Anne Venancio (Pangalawang Pangulo); Maridol Bismark (Kalihim); Maryo Labad (Katulong na Kalihim); Obette Serrano (Ingat-Yaman); Noel Orsal (Katulong na Ingat-Yaman); Wendell Alvarez (Auditor); Danny Vibas at Pilar Mateo (P.R.O.) 

TEAM with Mayora Gem


Kabilang sa miyembro sina Cesar Batingal, Boy Borja, Roland Lerum, Jhay Orencia, Luz Candaba, Adjes Carreon, Audie See, Sany Chua, Atorni Ton, Nimfa Chua, at Aldrin Cacayan. 


Sampaloc Lake
TEAM with Tourism Officers

Team with Tourism Officers

Pandin Lake

Pandin Lake

Padin Lake
Pilar Mateo

Sampaloc Lake
Nimfa Chua

Sampaloc Lake
Danny Vibas

Sampaloc Lake
Anne Venancio

Sampaloc Lake
Sany Chua and Noel Orsal

Sampaloc Lake
Maryo Banlat Labad

Pandin Lake
Obette Serrano


Pandin Lake
Pilar Mateo

Pandin Lake
Nimfa Chua and Audie Ochagabia

Sany Chua and Boy Borja

Mayora Gem with Wendel Alvarez

TEAM President Nonie Nicasio with Mayor Vic Amante