Ang Cinema One Originals Festival, na ngayo’y nasa ika-9 na taon ng paglalagay ng spotlight sa mga pinakamahusay na gawa ng mga Filipino filmmaker, ay muling magdadala ng panibagong enerhiya sa industriya ng pelikula sa isang mas engrandeng taon sa pamamagitan ng 15 na full length feature films kung saan kasama ang limang sine ng Cinema One Plus.
Kasama sa P2M na budget category na Cinema One Plus ngayong taon ay sina Borgy Torre para sa “Kabisera”, Mes de Guzman para sa “Sitio”, Miko Livelo para sa “Blue Bustamante”, Adolfo Alix, Jr. para sa “Alamat ni China Doll”, at Keith Sicat para sa “Woman of the Ruins”.
Ang “Kabisera” ni Direk Borgy Torre ay isang action film na tungkol sa isang padre de pamilya at ang mga pagbabago sa buhay niya nang may matagpuan siyang mga nawawalang ilegal na droga. Kasama sina Joel Torre, Art Acuña, Bing Pimentel, Bernard Palanca, Ketchup Eusebio, at Meryll Soriano, sa “Kabisera,” haharapin ang tanong na, “Mula sa pagiging isang inosenteng tao, kung mabibigyan ka ng pagkakataong yumaman dahil sa ilegal na droga, anong gagawin mo?”
Ang pelikula naman ni Mes de Guzman ay isang psychological thriller. Sa “Sitio,” tatakas patungong probinsiya ang magkakapatid na nagmula sa upper middle class para mamuhay nang mas simple. Ang hindi lang nila alam ay iba ang takbo ng pamumuhay sa barrio, at maraming mga nakakatakot na bagay ang maari nilang makasalubong doon. Ang “Sitio” ay pinagbibidahan nina John Prats, Ria Garcia, Anja Aguilar, Arnold Reyes, Biboy Ramirez, RK Bagatsing, at Jess Mendoza.
Ang “Blue Bustamante” ni Direk Miko Livelo ay isa namang family drama comedy. Ang kanyang nakakatuwang pelikula ay tungkol sa isang OFW na naghahanap ng trabaho sa Japan. Makikilala niya ang isang Sentai director, at kukumbinsihin nito ang OFW na maging double sa Blue Force, isang superhero show na pang-telebisyon. Kasama sa “Blue Bustamante” sina Joem Bascon, Jun Sabayton, Dimples Romana, at Jhiz Deocareza.
Sa “Alamat ni China Doll” ni Adolfo Alix, Jr., may isang babae na 27 taong gulang na si Helen na gusto nang magtapos ng high school at magkaroon ng bagong buhay—pero lahat ay mag-iiba nang may lumabas na article tungkol sa katotohanan ng “China Doll”. Dahil sa kanyang nakita, lalabas muli ang katotohanan tungkol sa nakaraan ni Helen, at mag-iiba ang lahat. Ang “Alamat ni China Doll” ay pinagbibidahan nina Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache, Cesar Montano, Phillip Salvador, Anita Linda, Allan Paule, at Evelyn Vargas.
Ang “Woman of the Ruins” ni Direk Keith Sicat ay isang pelikulang science fiction. Nagaganap ang kwento nito sa isang isla kung saan madalas ay nagkakabagyo. Doon, isang taong akala ng lahat ay patay na ay muling magpapakita, at iba-iba ang mga reaksyon ng tao sa kanyang pagbabalik. Ang pelikula ni Sicat ay pinagbibidahan nina Allesandra de Rossi, Art Acuna, Chanel Latorre, Elizabeth Oropesa, Peque Gallaga, Moises Magisa, Joe Gruta, at Rolando Inocencio.
Huwag palampasin ang ika-9 na taon ng Cinema One Originals Festival, na tatakbo mula Nobyembre 11 hanggang 19 sa Glorietta, Trinoma, at Robinson’s Galleria. Abangan rin ang sampung pelikulang kasama sa Cinema One Currents, ang kategorya ng mga pelikulang may P1M na budget. Ang lahat ng ito ay hatid ng Cinema One, ang numero unong cable channel sa bansa. 'Wag pahuhuli at 'wag palampasin ang mga pelikula ng Cinema One, kung saan lahat ay pwedeng mangyari.
October 29, 2013 "PRESSCON" at abs-cbn 14th floor
1 comment:
supreme hoodie
off white
kd 15
curry shoes
paul george shoes
supreme outlet
off white outlet
steph curry shoes
nike sb dunk low
kd 12
Post a Comment