Saturday, November 12, 2011

JM De Guzman, Bibinyagan na sa "Angelito Batang Ama"


Bibinyagan na bilang pinakabagong leading man ang kinakikiligan at hinahangaang dramatic actor ngayon na si JM DE Guzman sa pagsisimula ng kanyang pinakaunang seryeng pagbibidahan ang "Angelito: Batang Ama" ngayong Lunes (Nov. 14) sa Kapamilya Gold.

JM DE Guzman

Mapapanood na nga si JM sa kanyang pinakamapangahas na role bilang batang ama na si Angelito.  Sundan ang kanyang kuwento at kung paano niya haharapin ang mga hamon bilang isang ama sa pinakamurang edad.


Unang nakita sa telebisyon bilang Mike sa "PHR presents Midnight Phantom, agad kinakitaan ng husay sa pag arte si JM ng publiko kaya naman nasunday ito agad. at nabigyan pa siya ng iba pang mga proyekto tulad ng "PHR presents Alyna at Martha cecilia's Kristine.

Bukod sa pag arte sa telebisyon, nakilala rin si JM bilang isang aktor sa teatro at kinilala bilang mang aawit .


Huwag palalampasin ang pag uumpisa ng "Angelito: Batang Ama" ngayon Lunes (Nov.14), 3:30 pm pagkatapos ng "Helena's Promise," sa Kapamilya Gold ng Abscbn.

No comments: