Saturday, June 18, 2011

MYX VJ SEARCH 2011

MYX VJ SEARCH 2011 KASADO NA,
BOTOHAN NG FINALISTS BINUKSAN




Buong-pagmamalaking inihahandog ng MYX, ang numero unong music channel sa bansa, ang pinaka-aabangang MYX VJ Search sa taong ito.

Sa loob ng limang taon, walang dudang naging matagumpay ang MYX sa paghahanap ng mga bagong music video ambassadors. Ilan sa mga nagwagi noon sa search na sikat na VJs na ngayon ay ang mga sophomores na sina Chino Lui Pio, Bianca Roque at Janine Ramirez, at ang freshman na si Robin Nievera. Samantalang ang senior VJs naman na sina Luis Manzano, Nikki Gil at Iya Villania ay nakalikha na ng pangalan sa showbiz, hindi lamang sa MYX kung hindi maging sa ABS-CBN.   

Kaya naman muling binuksan ang botohan ng mga kalahok para sa MYX VJ Search.  Sa taong ito, 12 finalists ang maglalaban-laban upang makuha ang boto ng masa, pati na rin ang boto ng MYX team tungo sa minimithing VJ title.

Ang beauty queen na si Angelia, aspiring actress na si Camille, sexy charmer na si Cara, kwelang-kwelang si Chewy, Fil-Am stunner na si Drew, theater geek na si Earl, komedyanteng si JJ, ekstraordinaryong si Joyce, RnB Sweetheart na si K-La, club DJ na si Marga, boy next door na si Martin and swimming hottie na si Mike, sino kaya sa kanila ang magniningning ng husto at tatanghaling pinakabagong MYX VJ?

Angelia

Ang palaban an Ilonggang ito ay handang gawin ang lahat upang patunayan na hindi lamang siya beauty queen kung hindi VJ din. Tinanghal na Face of Bb.Pilipinas at host ng isang travel show sa probinsya, ipinapamalas ni Angelia ang kanyang likas na kakwelahan upang masungkit ang titulo bilang isang MYX VJ. Para iboto si Angelia, i-text ang MYX VJ1 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).

Camille
Si Camille naman ay lumabas na sa ilang commercials sa TV, dramas, web shows at maging sa isang indie film. Tunay na nakaka-in love, siya ay avid fan ng Air Supply. Gagawin niya ang lahat matupad lang ang ambisyong maging MYX VJ. Para iboto si Camille, i-text ang MYX VJ2 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).

Cara
Music video naman ang naging exposure ni Cara noon. Ngayon ay nais niya na siya naman ang mag-introduce ng mga music videos bilang pinakabagong VJ ng MYX. Sexy charmer kung tawagin, kayanin kaya ni Cara ang mga hamong haharapin niya? Para iboto si Cara, i-text ang MYX VJ3 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).

Chewy

Siya na siguro ang pinakamaliit sa grupo ngunit talagang maipagmamalaki ang kanyang positibong pag-uugali. Kasalukuyan niyang binabalanse ang pagiging music production student at pagiging radio jock. Sa McLovin’ look-alike na ito ay siguradong magiging matindi ang labanan sa MYX VJ Search sa taong ito. Para iboto si Chewy, i-text ang MYX VJ4 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).
  
Drew

Naligaw man ang Fil-Am stunner na si Drew sa isang celphone ad, muli niyang hahanapin ang daan patungong stardom. Ang English teacher/basketball player na kayang ito ang maging susunod na MYX VJ? Para iboto si Drew, i-text ang MYX VJ5 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).
 
Earl

Hindi lamang theater geek itong si Earl, K-Pop fan din siya. Ang honor student na ito ay handang magpakita ng kanyang “radiant smile” upang mapamahal sa sa mga MYX viewers. Para iboto si Earl, i-text ang MYX VJ6 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).

JJ
Komedyanteng maituturing, ang dating student radio DJ ay handa nang harapin ang mga challenges na hatid ng MYX VJ Search. Ang Atenistang ito ay tiyak na dadagdag sa excitement ng patimpalak. Para iboto si JJ, i-text ang MYX VJ7 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).
 
Joyce

Ipapakita naman daw ni Joyce ang kanyang natatanging karakter sa MYX VJ Search ngayong taon. Ang UP Fine Arts student na ito ay handang makipagsabayan sa kakulitan man o ka-dramahan. Maka-connect kaya siya sa mga manonood? Para iboto si Joyce, i-text ang MYX VJ8 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).
 
K-La
Hindi man siya pinalad na maging grand champion sa “Star Power,” handa na muli si K-La na patunayan na hindi lamang ganda’t singing talent ang mayroon siya. Ang kanya kayang pagiging RnB Sweetheart ang maging daan upang maging pinakabagong VJ siya ng MYX? Para iboto si K-La, i-text ang MYX VJ9 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).
 
Marga
Ang club DJ naman na si Marga ay nais ipagpatuloy ang pagbibigay katuparan sa music requests ng marami, ngunit bilang isang MYX VJ naman. Ang Advertising major na si Marga—na mahilig din sa football at longboarding—ay handa nang umindak sa funky groove ng kumpetisyon. Para iboto si Marga, i-text ang MYX VJ10 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).

Martin
Ang boy next door na si Martin na isa ding Broadcast Communication student ay handa na para sa kanyang teenage dream, ang magwagi sa MYX VJ Search. Sa kabila ng likas na kagwapuhan at kakisigan, si Martin ay aminadong Katy Perry fan. Para iboto si Martin, i-text ang MYX VJ11 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).
 
Mike

Ang 6’1” hottie na si Mike ay proud maging team captain ng De La Salle University swimming team. Ngayon, handa na din siyang mag-dive sa mundo ng telebisyon bilang isang MYX VJ. Para iboto si Mike, i-text ang MYX VJ12 sa 2331 (Globe/Sun) o sa 231 (Smart).

Huwag palampasin ang finals ng MYX VJ Search 2011 sa Hulyo 27 sa The Block, SM City North Edsa.

Tutok lang sa MYX (SkyCable Channel 23) para sa pinakamaiinit na balita sa MYX VJ Search. Para sa iba pang impormasyon, mag-logon sa www.myxph.com o sumali sa higit sa isang milyon at lalo pang dumaraming miyembro ng MYX Philippines fanpage on Facebookwww.facebook.com/MYX.Philippines, ang isa sa pinakamalaking Facebook community sa buong bansa.

1 comment:

Anonymous said...

k-la and drew good vj.