Saturday, March 3, 2012

Ai Ai delas Alas sa Pinakabagong Fantaserye na "Wako Wako"


Ai Ai delas Alas muling pasasayahin ang sambayanang Pilipino. Sa pinakabagong Fantaserye ng ABS-CBN na mag sisimula ngayong Marso 5, ang Wako Wako sa Direksiyon ni Direk Wenn Deramas.

Ang Fantaserye na Wako Wako ang magbibigay ng inspirasyon sa maraming pilipino at maraming aral ang mapupulot dito.

Sa tambalan nila Ai Ai delas Alas at Direk Wenn ay napatunayan ng dalawa ang pagiging blockbuster sa mga pelikula na kanilang ginawa. Kaya naman sinisigurado nila sa bago nilang Fantaserye na Wako Wako, ay kakagiliwan ito ng mga manonood.

YOGO SINGH bilang Muymuy
Tampok rin sa "Wako Wako" ang  batang si Yogo Singh, na nakilala bilang batang Coco Martin sa Walang Hanggan.

VANDOLPH QUIZON Bilang Rodel Gaudencio - isang tapat na pulis probinsiya at ama ni Muymuy at asawa ni Isay

GLADY'S REYES Bilang Isay - Mapagmahal na asawa kay Rodel at mabait na nanay ni Muymuy..

MARICAR DE MESA Bilang Bechay Sta. Ana - Kapatid ni Isay na gustong sirain ang pamilya nito

MALOU DE GUZMAN Bilang Teresing - Nanay ni Rodel na makakalimutin at sa kagustuhan na magkaroon ng apo ay humiling sa wishing fountain.

DENNIS PADILLA Bilang Tats Pogi  - tatay ni Isay na biyudo. at mapagmahal na lolo sa kanyang apong si Muymuy

DJ DURANO Bilang Dado Calleja - kontrabida sa buhay nila Rodel
 Makakasama rin sa Fantaserye sina Vandolph Quizon, Glady's Reyes, Maricar de Mesa, Malou de Guzman, Dennis Padilla, Carlos Agassi, Abby Bautista, Marki Stroem, Lizel Garcia, Eagle Riggs, DJ Durano, at Franco Daza.

LIZEL GARCIA Bilang Nora - maylihim pagtingin kay Kyle (Markki Stroem)

CARLO AGASSI Bilang Tommy - kaibigang matalik ni Rodel (Vandolph Quizon)

MARRKI STROEM Bilang Kyle - Bespren ni Nora (Lizel Garcia)

FRANCO DAZA Bilang Draco Calleja - Kapatid ni Dado(DJ Durano) na isang ring may  masamang ugali.

EAGLE RIGGS Bilang Turing - kaibigang matalik ni Isay 
Ang "Wako Wako" ay kuwento ng isang pitong taong gulang na si Muymuy (Yogo) na lubos na ipinagmamalaki ang amang pulis na si Rodel Gaudencio (Vandolph). Ngunit siya'y likas na matatakutin. Sa kanyang pagkakahanap sa isang magical creature na tatawagin niyang Wako, maraming kahilingan niya ang matutupad. Ngunit malalaman rin niyang ang bawat kahilingan ay may kabayaran pala.

Matatagpuan si Muymuy ng isang misteryosang si Dyosa Marishka (Ai Ai) na magsasabing si Wako ay isang Arukan at siya naman ang diyosa ng mga kahilingan. Kailangan ni Dyosa Marishka ng pitong taong may taus puso at hindi makasariling kahilingan upang maligtas ang kanilang kaharian. Si Wako naman ay tutulungan si Muymuy at ang pamilya nito na harapin ang kanilang suliranin.


AI AI DELAS ALAS Bilang Ai - Reyna ng mga Arukan
Tunghayan ang "wako wako" na magsisimula na ngayong Marso 5 (Lunes), bago ang TV Patrol sa ABS-CBN. Para sa mga updates, i-like na ang official Facebook page ng "Wako Wako" na http://www.facebook.com/wakowako.abscbn

AI AI DELAS ALAS

WENN DERAMAS








     MARCH 1, 2012  "PRESSCON" At 55 Events Place

No comments: