Saturday, July 14, 2012

Gag U with Iya Villania


Published on Jul 11, 2012 by 
Gag U with Iya Villania starting July 15, 6pm after UAAP on Studio 23


“Gag U” magbubukas na sa Studio 23
Iya Villania  magbabalik eskwela

IyaVillania

Simula July 15 sa Studio 23, ay magbubukas na ang eskwela para sa kursong “GAG U.”  Si Iya Villania ay balik eskwela at sa loob ng 30 minuto na puno ng kakatawanan, mga nakakaliting gags, pranks at kung ano ano pang mga kabaliwan, ay tiyak na gugulong ka sa kakatawa.


Pag aaralan ni Iya kung ano ang kahihinatnan kapag ginawa ng mga kalalakihan ang mga nakasanayang ginagawa ng mga kababaihan at vice versa sa “Versusmaryosep” pati na rin kung ano ano ang mga nakakatawa at mali maling karatulang makikita sa paligid sa “karatuLaugh.”


Maging update sa pinakasariwang balita at kaganapan sa loob at labas ng bansa sa nakakalokang pagbabalitang hatid ng “Newskopo.”
Mapapanood din sa programa ang cute ng mga alagang hayop, mga kwelang sanggol, hidden cameras, home videos at iba pang katatawanan mula sa ibang bansa.


Sasamahan si Iya Villania  ng isang gagster o celebrity guest buwan buwan para tulungan siya sa kanyang school project  na mag trip sa kalsada, mga paaralan, palengke, at kung saan saan pa.
Maaari ring mag enroll  ang mga estudyante saan mang campus sa bansa. Mag like sa official Facebook fanpage sa www.facebook.com/gagu.studio23 at pag follow sa Twitter account @gagustudio23.  Ibida na ang sarili sa pagpapadala ng mga sariling gags o larawan ng nakakatawang karatula para sa “KaratulaLaugh.”


Tara na sa unang klase ng “GAG U” ngayong Linggo (July 15)  6pm,  pagkatapos ng “UAAP” sa Studio 23.

JULY 10, 2012  "PRESSCON"