Tuesday, July 24, 2012

PHR presents "Pintada"

DENISE LAUREL, PIPINTAHAN NG PAG-IBIG ANG HAPON SA “PHR PRESENTS PINTADA”




Ngayong Hulyo, muling nagbukas ang pahina ng Precious Hearts Romances (PHR) para sa isang naiiba at mapangahas na kuwento ng pag-big sa pagitan ng estudyante at ng kanyang guro sa “Precious Hearts Romances presents Pintada.”

Denise Laurel



Tampok ditto ang nagbabalik-PHR na si Denise Laurel na minsan ng nagpainit sa inyong mga hapon sa “PHR presents Midnight Phantom” at tiyak pakaabangang hunk-actor at leading man na sasabak sa kanyang pinakaunang sexy role sa telebisyon na si Martin Del Rosario.
Mamarkahan din ng “PHR presents Pintada” ang pagbabalik teleserye ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina.

Martin del Rosario

Sundan ang kuwento ng pagmamahalan ng high school student na si Sev (Martin) at guro niyang si Lysa (Denise), isang babaeng pantasya ng bawat kalalakihan at kinaiinggitan ng bawat kababaihan sa taglay niyang ganda at alindog.
Sa paaralan pa lang ay pagnanasaan na ng pilyong si Sev ang guro at iindahin ang agwat ng kanilang edad sa kanyang sobrang pagkahumaling sa dalaga. Iiral ang pagiging guro ni Lysa at hindi tatanggapin ang inaalay na pag-ibig ng binata.


Hindi pa man ganap na napapatunayan ni Sev ang nararamdaman ay isang sunog sa eskwela ang babago sa kapalaran ni Lysa. Habang sinasagip ang buhay ng kanyang mag mag-aaral ay malalapnos ng apoy ang isang bahagi ng kanyang magandang mukha. Kasabay nito ay mamamatay din ang isang may-asawang lalaki ng sinasabing kalaguyo niya.


Pagdurusahan ni Lysa ang daranasing kahihiyan at haharapin ang panghuhusga ng lipunan. Ang mga masasaklap niyang karanasan ang mag-uudyok para maiging mailap siya sa mga tao sa kanyang paligid. Patuloy niyang itatago ang nasirang ganda sa ilalim ng isang belo sa loob ng maraming taon hanggang sa isang araw, muling magbabalik sa kanyang buhay ang isang lalaki mula sa kanyang nakalipas-  si Sev.


Ano ang naghihintay para kina Lysa at Sev? Tuluyan na kayang bumigay si Lysa sa pag-ibig na magpahanggang ngayon ay inaalay sa kanya ng dating estudyante? Paano niya haharapin ang bukas gayong nag-iwan ng permanenteng marka ang iniiwasan at pilit kinakalimutang nakaraan? Paano makaktulong si Sev sa kanyang muling pagbangon at pagharap sa tinakasang suliranin?
Sa likod ng kanyang sugat, nakaukit ang masakit na nakaraan. Sapat kaya ang pag-ibig upang pintahan at takpan ang pilat ng masamang alaala?


Kasama rin sa “PHR presents Pintada” sina Yen Santos, Lemuel Palayo, Bernadette Allyson, Alma Concepcion, Ricardo­ Cepeda, Nikka Valencia, James Reid, Jess Mendoza, EsloveBriones, Deniesse Joaquin, Jommy Teotico, Chase Vega, Katrina Legaspi, Erin Ocampo, EJ Jallorina, Lui Manansala, Dolly Gutierrez, Buddy Palad, at Marky Roldan.
Huwag palampasin ang teleseryeng magpipinta ng pag-ibig sa inyong mga puso, ang “PHR presents Pintada,” Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng “City Hunter Returns” sa kapamilya Gold ngABS-CBN.

JULY 23, 2012  "PRESSCON"

Denise Laurel

Bernadette Allyson

Alma Concepcion


Yen Santos