The Healing
Ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos ay binigyang ng engrandeng selebrasyon ng
ABS-CBN at Star Cinema para sa kanyang ika-50
anibersaryo niya sa showbiz. Ang “The
Healing,” isang suspense-horror film sa direksyon ni Direk Chito Rono.
Tatlong taon matapos ang “In My Life,” ay gumawa siya ng
kauna unahang suspense horror film at ito ay handog niya sa kanyang mga fans,
na walang sawang sumusubaybay sa kanya.
Makakasama ring niya sa unang pagkakataon sa pelikula ang primetime
princess ng ABS-CBN na si Kim Chiu.
Ang “The Healing” ay
nakatakdang lumikha ng bagong marka sa larangan ng Philippine Horror Cinema. “Ang
kuwento tungkol sa tradisyon ng mga Pilipino na tumungo sa Faith Healers upang
magpagaling ay hindi pa lubos na natatalakay sa pelikula. At sa aming pelikula,
hindi lang basta masisindak ang viewers, kundi mapapaisip rin tungkol sa kung
gaano na naging bahagi ng kulturang Pinoy ang faith healing,” kuwento ni Ms.
Vilma.
Sa 50th anniversary ni Ms. Vilma, isang
natatanging pagsasama sama ang binuo ng Star Cinema para sa powerhouse cast ng “The
Healing.” Sila Kim Chiu, Janice de
Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria
Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre,
Chinggoy Alonzo,Mon Confiado, Carmi Martin at Pokwang.
Ang “The Healing” ay mapapanood na sa mga sinehan nationwide
sa July 25, 2012.
For more updates on “The Healing” simply visit www.StarCinema.com.ph, or like the
movie’s official page, http://facebook.com/TheHealingFilm,
http://facebook.com/StarCinema or http://twitter.com/StarCinema.
JULY 12, 2012 "PRESSCON" at Dolphy Theater, ABS-CBN
JULY 12, 2012 "PRESSCON" at Dolphy Theater, ABS-CBN