Thursday, May 26, 2011

KARYLLE - BIDA SA SHOOT SA EUROPE



Napabilib ni karylle ang mga taga Philips sa ginawa nilang shoot sa London at Amsterdam nuong nakaraang linggo. Obvious na obvious na perfect choice si Karylle bilang Philippine representative dahil sa kanyang track record bilang singer, actress, TV host, athlete, writer, at marami pang iba, para sa pangalawang installment ng hit campaign na Nigel at Victoria na magsisimula na nitong June.

Kasama ni Karylle sa shoot ang ilang ambassadors mula sa sikat sa Europe, UK, at Russia. Ang campaign na ito nuong magsimula ito ng 2010 kung saan pinapakita ang relasyon ng isang blooger-reviewer (Victoria) at ng isang Philips executive (Nigel). Umabot sa 850,000+views sa Facebook at lagpas isang million sa ibang blogs at sites.

Sa pangalawang installment, maghahanap si Nigel ng kapalit ni Victoria, na umalis dahil sa isang project. Dito, si Karylle na ang papalit sa papel ni Victoria bilang product reviewer.
Lumipad si Karylle sa London at Amsterdam last week para sa shoot ng mga product review videos niya. Lalabas ito sa mga sites ng Philips, Facebook, at Youtube.

Para sa mga ginamit ni Karylle sa shoot, pwedeng puntahan ang www.onthego.philips.com. Para naman sa series, i-check ang        www.facebook.com/NigelandVictoria.

Ang project na ito ay isa lang sa dalawang international projects na ginagawa ni Karylle. Ang isa ay ang The kitchen Musical, ang unang Pan-Asian TV musical na umiikot sa isang restaurant. Bida dito sa series si Karylle at ipapalabas sa Singapore, Malaysia, Philippines, Indonesia at sa 17 pang bansa.

Si Karylle ay mawawala sa bansa ng apat na buwan para sa shoot ng series ng Nigel at Victoria.


     MAY 25, 2011 "PRESSCON"




1 comment:

Anonymous said...

You're really the Best KArylle..go, go, go...