Mamarkahan ngayong taon ang pinakamalaking bilang ng pelikula na ipapalabas sa ika-8 taong Cinema One Originals Festival kung saan may 13 competition feature films na hinati sa dalawang kategorya: Ang “Cinema One Plus” ay binubuo ng mga batikang direktor na tumanggap ng dalawang milyong production budget bawat isa at ang “Cinema One Currents” na binubuo ng mga bagong direktor na pinagkalooban ng isang milyong budget bawat isa.
Pinili mula sa mapanuring deliberasyon sa daan-daang lumahok, ang 13 pelikulang ito ay may anim na unang feature film ng kanilang direktor at may potentsyal na gumawa ng pangalan sa larangan ng filmmaking sa loob at labas ng bansa.
“Mas malaki ang festival ngayong taon pagdating sa nilalaman at variety kumpara sa mga nagdaang Cinema One Originals. Mayroon ang mga pelikula naming ngayong taon na hindi makikita sa mainstream cinema,” ani Cinema One channel head, Ronald Arguelles.
Tunghayan ang mga pelikula sa unang kategorya: