Friday, November 9, 2012

Mga beteranong komedyante na kinabibilangan nina Epi at Vandolph Quizon, Ai Ai Delas Alas at Richard Gomez ang bibisita sa “Toda Max”

Todo na 'to! Sa unang anibersaryo...
MGA BETERANONG KOMEDYANTE, DADAYO SA BEVERLY GIL'S NG “TODA MAX”


Robin Padilla, Angel Locsin & Vhomg Navarro

Mga beteranong komedyante na kinabibilangan nina Epi at Vandolph Quizon, Ai Ai Delas Alas at Richard Gomez ang bibisita sa “Toda Max” tuwing Sabado simula November 10 hanggang December 1 para sa month-long anniversary celebration ng sitcom.
Ang kanilang first anniversary celebration ay pinamagatang “Tribute to ABS-CBN Comedy Shows” para magbigay pugay sa di malilimutang comedy shows ng ABS-CBN. 
“Kung hindi po dahil sa inspirasyon na ibinigay sa amin ng mga shows na ito, hindi po sana naging ganito ka-tagumpay ang Toda Max,” ani Vhong Navarro na gumaganap bilang ang cook na si Justin Bibbo sa sitcom.
Vhong Navarro


Nais din po naming magpasalamat sa mga sumusuporta sa Toda Max. Hindi po namin inakala na ganito kalaki ang matatanggap na suporta ng pagbabalik-sitcom ng ABS-CBN. Bukod po sa napalaki namin at napatagal itong sitcom, nanalo pa ang kami sa nakaraang CMMA,” dagdag ni Vhong.
Robin Padilla
Asahan daw na mas kapupulutan ng aral at mas nakakatuwa ang mga inihanda ng “Toda Max” ayon kay Robin Padilla na gumaganap bilang ang tricycle driver na si Tol.
Samantala, upang umpisahan ang month-long celebration ng “Toda Max”, ang magkapatid na Epi at Vandolph Quizon ang naka-toka magpapatawa ngayong Sabado (November 10). Gaganap ang Quizon brothers bilang sina Tim at Tom, ang mga cook na kinuha ni Tol para sa catering services nila ng pinsang si Justin.

Angel Locsin

Ngunit magkakagulo ang lahat dahil nauna nang kinuha ni Justin bilang cook si Tatay Mac (Al Tantay), ang ama ng girlfriend niyang si Isabel (Angel Locsin). Nang malaman ni Tatay Mac na kumuha si Tol ng ibang cook ay agad itong magreresign na magiging dahilan nang gulo sa pagitan nila Isabel at Justin.

Paano maaayos ng mag-pinsan ang di nila pagkakaunawaan at magkakabalikan pa kaya ang magkasintahang Isabel at Justin? Alamin sa “Toda Max” ngayong Sabado (October 10) pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN.


NOVEMBER 7, 2012  " press release"