Friday, November 2, 2012

Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli pinakabagong Love Team sa "Paraiso"

Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli bagong love team sa "Precious Hearts Romances Present Paraiso"


PHR present "Paraiso" ngayong November 5, sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Isang teleserye ang  magpapainit ng ating hapon at kauna unahang pagtatambal sa television nina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli at makakasama rin nila sina Matt Evans at Jewel Mische.


Sundan ang mabubuong pagmamahalan sa pagitan ni Yanie (Jessy), isang madiskarteng babae na hangad na iahon ang pamilya sa kahirapan, at si Brennan (Matteo), isang heredero ng isang malaking kumpanya na hangad naman ay mapatunayan ang sarili sa ama.
Isang trahedya ang maglalapit sa dalawa matapos lumubog ang barkong kanilang sinasakyan at mapadpad sila sa isang islang tanging sila lang ang tao. Dito matutuklasan nila ang ilang mga bagay tungkol sa kanilang sarili at makikilala ng lubusan ang isa't isa. Sa panahong nawawalan na sila ng pag-asa na sila ay matagpuan, tanging ang isa't isa rin ang magsisilbi nilang sandalan kaya naman hindi na nila maiwasang may pag-ibig na mamuo sa pagitan nila.

Jessy Mendiola, Mateo Guidicelli at Jewel Mische

Sa gitna ng paraisong nahanap nila sa piling ng isa't isa, darating ang tulong na matagal na nilang hinihintay. Sila ay muling babalik sa siyudad at haharapin ang katotohanang pansamantala nilang iniwan sa loob ng ilang buwan. Babalik si Brennan (Mateo) sa kanyang asawa na si Meagan habang si Yanie (Jessy) ay haharapin ang pag-ibig na matagal ng iaalok sa kanya ng kanyang best friend na si Justin.
Paano nila ipagpapatuloy ang buhay matapos ang paraisong panandalian nilang natikman at naranasan? Muli kaya silang magkita o tuluyan na silang paglalayuin ng tadhana? Kaya ba nilang umahon sa katotohanan o muli nilang sisirin ang kaibuturan ng kanilang mga puso para mahanap ang pagtitinginang sa isla'y kanilang pinagsaluhan?

Rechie Del Carmen at Nico Hernandez

Kasama rin sa Precious Hearts Romances Presents Paraiso sina Aaron Villaflor, Bodjie Pascua, Juan Rodrigo, Ina Feleo, Dionne Monsanto, Angel Jacob, Jessica Conelly, Paco Evangelista, Marissa Sanchez, Gary Lim, Alex Castro, Justine Cuyugan, Wendy Tabusalla, Idda Yaneza, Guji Lorenzana, Kathleen Hermosa, Maliksi Morales, Pamu Pamorada, Ms. Evengeline Pascual at Ms. Ces Quesada. Sa direksyon nina Rechie Del Carmen, Connie Macatuno at Nico Hernandez.

OCTOBER 25, 2012 "PRESSCON" at Dolphy Theater ABS-CBN