Tuesday, November 13, 2012

24/7 in Love handog ng Star Cinema para sa 20th years ng Star Magic


Pitong love stories, magpapakilig sa 20th anniversary film ng Star Magic…
15 KAPAMILYA STARS, MAGSASANIB-PWERSA SA “24/7 IN LOVE”

For the first time in Philippine movie History, pinagsama-sama ang 15 sa mga pinakasikat, pinakahinahangaan, at pinakamahusay na bituin ng bagong henersayon sa iisang higanteng pelikulang handog ng Star Cinema sa selebrasyon ng ika-dalawampung taon ng Star Magic ang “24/7 In Love.”

Ang star-studded romance anthology na “24/7 In Love,” ay bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng 20th anniversary ng Star Magic na katatampukan ng pitong magkakaibang love stories na pagbibidahan ng mga tambalan nina Piolo Pascual, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat; Bea Alonzo at Zanjoe Marudo; Sam Milby at Pokwang; Kim Chiu at Gerald Anderson; Diether Ocampo at Maja Salvador; Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.


Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
Sa pagnanais na manalo ng VIP tickets sa gaganaping concert ng kanyang ultimate showbiz crush na si Daniel Padilla, sasali si Jane (gagampanan ni Kathryn) sa isang video-making contest kung saan kailangan sagutin ng video entries ang tanong na “Ano ang gagawin mo bago magunaw ang mundo?”

 Pokwang at Sam Milby
Sa paghahanap ni Jane ng sagot para sa kanyang isasali sa contest, makikilala niya ang iba’t-ibang taong magbabahagi sa kanya ng mga markadong kwento na pawing patunay sa kapangyarihan ng tunay na pag-ibig—ang 40 year-old virgin na si Virgie (Pokwang) na makikilala ang gigiolong si Sam Milby; 

 Maja Salvador at Diether Ocampo 
ang hopeless romantic na sekretarya na si Barbara (Maja) na makikilala ang kanyang Boss na si Diether Ocampo; 

 Angelica Panganiban
si Verna (Angelica), ang babaeng nagdurusa sa kanyang magulong relasyon sa asawa na makikilala si John Lloyd Cruz; 

 Bea Alonzo at Zanjoe Marudo
si Belel (Bea), ang babaeng in love sa kanyang bestfriend na bakla na si Zanjoe Marudo; 

 Piolo Pascual, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat 
ang 35-year-old mentally challenged na si Mike (Piolo) kasama sila Zaijian at Xyriel, 

Kim Chiu at Gerald Anderson
at ang aktibong account executive na si Patty (Kim Chiu).

Bahagi rin ng “24/7 In Love”  ang iba pang Star Magic stars na sina John Lapus, Maricar Reyes, Jayson Gainza, Matt Evans, Nina Dolino, Joseph Marco, Jason Francisco, Heiga Krapf, Andrei Felix, Seppi Borromeo, at Ian Risell.

Ang “24/7 In Love” ay sa ilalim ng direksyon ng apat sa pinaka-promising young directors ngayon na sina Mae Cruz, Dado Lumibao, John- D Lazatin, at Frasco Mortiz.

Huwag palampasin ang star-studded celebrity movie ng taon, “24/7 In Love”, na ipapalabas na sa Nobyembre 21 (Wednesday).
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “24/7 In Love” mag-log on lamang sa http://www.StarCinema.com.ph/, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema

NOVEMBER 8, 2012  "PRESSCON"
Piolo Pascual

 Bea Alonzo at Zanjoe Marudo

 Kim Chiu at Gerald Anderson

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

 Kim Chiu at Gerald Anderson

Pokwang at Sam Milby

Zanjoe Marudo at Bea Alonzo

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

 Kim Chiu at Gerald Anderson